Bakit hindi ako masaya?
Ang mundo ay puno ng mga taong malulungkot at naghahanap ng kaligayahan sa iba’t ibang bagay. Imposible bang maging masaya? Nakalimutan na ba sila ng Diyos?
Noong ako ay bata pa, naghanap ako ng pagmamahal at pagtanggap. Hinanap ko ito sa relihiyon, sa pamilya, sa mga kaibigan, at kaklase sa eskwela, ngunit ako ay nabigo. Sinubukan ko ang lahat ng bagay na pwedeng gawin ng isang kabataan—droga, alak, premarital sex, at kung anu ano pa. Sinubukan ko ding pumunta sa hypnotist para makalimutan ang aking kalungkutan. Pero wala sa mga ito ang nakapuno sa kakulangan sa aking buhay. Bakit nga ba hindi ako masaya?
Nakakilala ako ng isang lalaki isang araw at binigay niya ang kasagutan sa tanong kong ito. Binasa nya sa akin ang Psalm 107:9, “Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.”
Nilikha tayo ng Diyos at alam nya ang ating mga pangangailangan at problema. Binigyan Niya tayo ng kalayaang mahalin at sundin Siya o talikuran Siya.Nakalulungkot isipin, lahat tayo ay piniling magkasala at magrebelde laban sa Kanya na nagresulta sa pisikal at ispirituwal na kamatayan (Genesis 2:17). Upang magkaroon tayo ng kaligayahan at kapayapaan, kailangan nating manumbalik sa Diyos!
Ginawa na ng Diyos ang Kanyang parte. Romans 5:8, “Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Diyos ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.” Dinanas ng Panginoon Hesus ang kamatayang nararapat sa iyo at sa akin nang namatay Siya sa krus. Nabuhay Siyang muli sa ikatlong araw, at Siya ay buhay magpakailanman (1 Corinthians 15:1-4).
Tinatawag ka Niya. “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Matthew 11:28). Hindi ka binigo ng Diyos. Nilinis Niya ang daan patungo sa Kanya. Inihahandog Niya sayo ang pagmamahal, pagkalinga, pagpapatawad, kapayapaan, at maligayang buhay kasama Niya.
Marahil ay sinubukan mo na ang iba’t ibang paraan para lumigaya. Ngayon na ang pagkakataon mo upang magkaroon ng relasyong pangwalang hanggan sa ating Diyos sa pamamagitan ng pagkilala mo sa iyong pangangailangan sa Panginoong Hesus at pagtitiwala mo sa Kanya na patatawarin Niya ang lahat ng iyong kasalanan. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay ispirituwal na maipapanganak ng muli at mararanasan mo ang buhay na masagana (John 3; 10:10; 15:11). Magkakaroon ka rin ng tunay na kaligayahan na nagmumula sa pagkilala at pagsunod sa Diyos—sa paghanay ng iyong kalooban sa Kanya (Psalm 16:11; 144:15).
“Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas” (Romans 10:13). Tumawag ka sa Panginoon at ikaw ay Kanyang ililigtas. Ang buhay na walang hanggan ay regalo mula sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo (Romans 6:23)
[Back to English version]